leni-robredo

Robredo, nag-sorry sa Holocaust Memorial photo

Sharing is caring!

Humingi na ng paumanhin si Vice President Leni Robredo nitong Martes kaugnay sa tinuligsang larawan niya at ng iba pang Liberal Party (LP) members na kuha sa memorial ng milyong biktima ng genocide ng Nazi Germany.

Ayon sa ulat, kahit wala umano silang anumang malisya sa naturang larawan, humihingi pa rin siya ng “sorry” sa mga taong nasaktan sa naturang hakbang.

“Gusto ko mag-apologize for offending the sensitivities of others. There was no excuse. While there was no malice in it, I take full responsibility kaya I would like to apologize for whatever offense to the sensitivities of the people,” aniya.

Si Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr., ang siyang nagbahagi ng nasabing larawan sa Twitter kung saan makikitang nag-pose si Robredo kasama ang iba pang mga miyembro ng LP sa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?