20

Nov 1, 2020 @ 20:11
By

Robredo: Mga hayop dapat may evacuation center

Minungkahi ni Vice President Leni Robredo ang pagtatayo ng evacuation center para sa mga hayop sa oras na humagupit ang mga malakas na bagyo tulad ng typhoon Rolly.

Saad ni Robredo, may ilang residente na tumatakas sa evacuation dahil kailangang bantayan ang kanilang mga gamit at mga alagang hayop.

“Iyong mga head of the family, nagpapaiwan pa din sa bahay kasi ang iniisip ang gamit, iyong mga hayop, etc. Kaya kahapon ni-remind ko na naman sila na dapat may evacuation center na ang mga hayop para wala nang dahilan para magpaiwan kasi minsan kahit forced evacuation talagang may mga tumatago,” lahad ni Robredo sa kanyang radio program.

Hinagupit ng bagyong Rolly ang rehiyon ng Bicol at Quezon province, kung saan inasahan na aabot sa 19 hanggang 31 milyong katao ang maaapektuhan.

Bahagyang humina na ang Rolly habang binabagtas ang patungong Batangas nitong Linggo ng gabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?