188

Sep 26, 2020 @ 10:50
By

Robredo: Maraming nagawang tama si Duterte

Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na bagama’t may napupuna siya sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may nakikita rin siyang tamang ginawa nito.

Sa panayam sa Basta Batas radio program, tinukoy ni Robredo ang Build, Build, Build project at pagpasa ng Universal Health Care Law sa mga nagawang mabuti ng Pangulo.

“Marami naman. Halimbawa, I think ‘yung Build, Build, Build okay sana ‘yon para makatulong,” lahad ni VP Leni.

“Maraming mga batas na napasa na ngayon, halimbawa ‘yung Universal Health Care napasa na ngayon,” aniya pa kung saan sinabi niya na naging malaking parte si Duterte sa pagpasa ng mga ito dahil sa mga bill na kanyang sinertipikahang urgent.

Ngunit ilan sa mga nasayangan ang Bise Presidente ay ang mga ‘missed oportunity ng Pangulo na aniya’y sana nabuhos ang atensyon sa ibang bagay.

“Polarization na para sakin yung Pangulo dapat mas unifying… in the sense na mas marami tayong maaabot kung ‘yung collective action natin nandiyan,” saad ni Robredo.

Kinuwestiyon din ni Robredo ang patama ni Duterte sa nakaraang administrasyon.

“Hindi nakakatulong sa bansa na parang ‘yung vendetta, kasi hindi nagkakaroon ng continuity,” giit ni Robredo. “I think bad for the country siya, na anything associated with the past administration hindi gagawin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?