48

Aug 24, 2020 @ 21:05
By

Robredo magiging presidente sa deklarasyon ng RevGov – Macalintal

Sinabi ng isang beteranong abogado na sakaling magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government (RevGov) ay mauupong presidente si Vice President Leni Robredo.

Paliwanag ni Romulo Macalintal, kapag nagdeklara si Pangulong Duterte bilang pinuno ng RevGov, wawakasan nito ang pagiging presidente ng isang democratic government kung saan siya niluklok.

Bunsod nito, maiiwan aniyang bakante ang posisyon ng presidente.

Batay aniya sa 1987 Constitution, awtomatikong iti-take over ang posisyon ng Bise Presidente, na ngayo’y si Vice President Leni Robredo.

Si Robredo ang magpapatuloy sa mga responsibilidad ng Office of the President.

“In a word, once Duterte declares and heads the said revolutionary government, Robredo takes over as President of our democratic government. This will bring us to a situation where there will be two kinds of government: the revolutionary government headed by Duterte and the democratic government headed by Robredo,” punto ni Macalintal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?