55

Feb 28, 2021 @ 20:20
By

Robredo: LGU konsultahin bago kayo gumawa ng desisyon!

Inihayag ni Bise Presidente Leni Robredo na dapat munang konsultahin ng pamahalaan ang mga local government unit (LGU) bago ito gumawa ng desisyon hinggil sa pagluluwag ng mga quarantine restriction.

“Okay sa akin na i-sa-standardize [ang protocols]. [P]ero hindi din sa akin okay, na inalis na ang testing saka quarantine protocols,” sambit niya sa kanyang lingguhang radio show.

“Para sa akin delikado iyon lalo pa ngayon na mataas ang cases natin. Baka maging dahilan ulit ng surge,” pagpapatuloy ng VP.

Aniya, dapat magsalita ang mga kinatawan ng bawat LGU hinggil sa paggawa ng desisyon dito.

“Para sa akin, okay to standardize pero dapat kabahagi sana ang IATF—iyong mga representatives ng mga LGUs. Dapat mayroon silang boses,” sambit niya.

“Ginagawa nila ang lahat para ma-contain ang transmission sa kanya-kanyang communities tapos luluwagan natin nito. Baka mahirapan sila.”

Ito ay kaugnay sa target ng Department of the Interior and Local Government na ibasura ang mga travel authority at mga medical certificate na kinakailangan ng biyahero upang mabalanse umano ang mga travel protocol sa bansa.

BASAHIN: Gobyerno balak ibasura travel authority, health certificate para sa mga biyahero

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?