617
Robredo kay Mayor Sara: Kung hindi ka tapat, wala kang karapatang maglingkod
Mar 8, 2019 @ 17:46
By

Robredo kay Mayor Sara: Kung hindi ka tapat, wala kang karapatang maglingkod

Kinontra ni Vice President Leni Robredo ang naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang pagiging tapat ay hindi dapat nagiging isyu ngayong eleksiyon.

Ani Robredo, nakakagulat umano ang pahayag na ito ng alkalde.

Hindi na umano kailangan itong pagdebatehan dahil mahalagang katangian ang pagiging tapat sa mga gustong maglingkod sa publiko.

“‘Yung honesty, napakalaking factor sa integrity ng isang tao. Kung wala kang ganun, dapat hindi mo iniisip na maglingkod. Paano ka makakapaglingkod kung may problema ka sa sarili mo?” sagot ni Robredo kay Mayor Sara.

Matatandaan noong Miyerkoles sinabi ni Hugpong ng Pagbabago campaign manager Mayor Duterte na hindi na dapat maging isyu ang honesty dahil lahat naman umano ay nagsisinungaling.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?