273

By

Robredo kay Marcos: Ilang panalo pa kailangan para maniwala ka

Magkahalong saya at pagkadismaya umano ang nararamdaman ni Vice President Leni Robredo sa pinakabagong ruling ng Korte Suprema kaugnay ng inihaing election protest laban sa kanya ni dating senador Bongbong Marcos.

Ani Robredo, “half relieved and frustrated” ang nararamdaman niya dahil ipinag-utos lang ng Supreme Court, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang release ng revision committee report sa resulta ng vice presidential recount.

Para kay Robredo, ang dismissal ng election protest ang “acceptable” decision ng PET batay sa Rule 65 at resulta ng recount.

“Kasi ang paniniwala talaga namin there is no other way but to dismiss this, considering their own rules, and considering the results of the recount,” saad ng Bise Presidente.

Sa kabila nito, mabuting balita umano ang pinag-utos na release ng PET para malaman ng publiko kung ano ang lumabas sa recount.

“Mabuting balita nag-order iyong PET para malaman ng publiko kung ano talaga iyong nag-transpire sa recount, ano talaga botong lumabas at sino talaga iyong nagsasabi ng katotohanan,” aniya.

Samantala, nagpatutsada naman si Robredo kay Marcos na kailan umano nito matatanggap na natalo siya sa 2016 vice presidential election.

“Tapos na iyong eleksiyon. Pinroclaim tayo ng Kongreso. Iyong resulta na galing sa Comelec, pinroclaim tayo ng Kongreso, panalo tayo. Nagkaroon ng recount, panalo ulit tayo. So, ilang panalo pa ang kailangan para maniwala siya [Marcos] na hindi siya iyong nanalo?” sabi ni Robredo sa video na binahagi ng kanyang tagapagsalitang si Barry Gutierrez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?