44

Nov 19, 2021 @ 17:07
By

Robredo kay Duterte: Cocaine user na kandito, hindi dapat idaan sa blind item

Hindi sang-ayon si presidential aspirant at Vice Presidente Leni Robredo sa ginawang pag-blind item ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang presidential candidate na umano’y gumagamit ng cocaine.

Ayon sa VP, dapat daw kasuhan na agad ito kung may ebidensya tungkol dito.

“Kung may ebidensya kailangan kasuhan, kasi ito ‘yung nakasaad sa ating batas. Hindi dapat ito idinadaan sa ganitong paraan,” ani Robredo.

Dagdag pa niya, ayaw na raw niya itong patulan dahil sigurado na hindi raw siya ang tinutukoy.

“Ako, number one siguradong hindi ako ‘yun. Number two, ayokong pumatol, ayokong dagdagan. ‘Yung sa akin lang kung may ebidensya kailangang ilabas,” saad nito.

Nitong Huwebes, ibinunyag ng Pangulo sa kaniyang televised speech na isa umanong kandidato sa pagka-pangulo ang gumagamit ng cocaine. Aniya, bahala na raw ang publiko manghula kung sino ang kaniyang tinutukoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?