86

Jan 21, 2020 @ 13:49
By

Robredo kay Bongbong: ‘Wag tumakbo kung ‘di matatanggap ang pagkatalo!

Payo ni Bise Presidente Leni Robredo kay dating vice presidentiable Bongbong Marcos, huwag nang tumakbo sa Halalan 2022 kung ‘di pa rin matanggap na natalo ito sa kanya.

Sa ngayon, may nakabinbin na reklamo si Marcos sa Presidential Electoral Tribunal (PET) laban kay Robredo.

“Dapat lahat na tatakbo, tatanggapin iyong resulta ng eleksyon. Kasi kung matatalo ka, hindi mo tatanggapin, eh huwag ka nang tumakbo,” ani Robredo sa “Unang Hirit” ng GMA News kahapon, Enero 20, 2020.

Inanunsiyo ngayong buwan ni Marcos na balak niyang tumakbo sa national office sa susunod na halalan, ngunit ‘di tinukoy ang partikular na posisyon dahil pinag-iisipan pa aniya niya ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?