167

Sep 17, 2021 @ 22:29
By

Robredo kakasa uli kay BBM

Handa si Vice President Leni Robredo na makalaban si dating senador Bongbong Marcos sa 2022 elections.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Marcos na alam niyang mananalo siya sakaling magharap muli sila ni Robredo sa darating na halalan.

Matatandaang naglaban na sina Marcos at Robredo sa 2016 vice presidential race kung saan nagwagi ang huli.

“Kung ano iyong mapili ng unity ticket, tatakbo ako. Kung ako iyon. Kung one-on-one na Bongbong Marcos, lalaban ako kahit dehado,” pahayag ni Robredo.

“Kung kahit sino ang kalaban, basta ako iyong pipiliin ng anti-admin forces, laban ako,” patuloy niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?