168
Robredo, iba pang LP member kinasuhan kaugnay ng ‘Bikoy videos’
Jul 18, 2019 @ 18:23
By

Robredo, iba pang LP member kinasuhan kaugnay ng ‘Bikoy videos’

Naghain ng kasong inciting to sedition at iba pang reklamo ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) laban kay Vice President Leni Robredo at iba pang indibiduwal kaugnay ng kontrobersiyal na “Ang Totoong Narcolist” videos.

Maliban kay Robredo, pinangalanan sa reklamo sina incumbent opposition senators Leila de Lima at Risa Hontiveros, dating senador Bam Aquino at Antonio Trillanes IV at mga miyembro ng “Otso Diretso” na sina Chel Diokno, Romulo Macalintal, dating Solicitor General Florin Hilbay, Samira Gutoc at dating congressman Erin Tañada.

Dawit din sa reklamo sina dating Catholic Bishops Conference of the Philippines president Archbishop Socrates Villegas at incumbent CBCP Vice President Archbishop Pablo Virgilio S. David, running priests Fr. Robert Reyes, Frs. Flaviano Villanueva, Albert E. Alejo, Bishops Honesto Ongtioco at Teodoro Bacani Jr.

Kaugnay nito, bumuo na ang Department of Justice ng panel na mag-iimbestiga rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?