1,534

By

Robredo hindi takot sa impeachment

Hindi na bago kay Vice President Leni Robredo ang bantang impeachment laban sa kanya matapos suportahan ang pag-iimbestiga ng United Nations Human Rights Council sa war on drugs sa Pilipinas.

Paliwanag ng tagapagsalita ng Bise Presidente na si Atty. Barry Gutierrez sa GMA News, marami nang hinarap na bantang impeachment si Robredo pati na electoral protest, online harassment at fake news, na hindi nito hinahayaang maka-distract sa kanya.

“VP Leni has been threatened with impeachment before. This is nothing new or original,” saad ni Gutierrez.

Magugunitang sinabi ni Presidential Anti-Corruption Commission chief Manuelito Luna na ang pagsuporta ni Robredo sa resolusyon ng UNHRC ay laban sa gobyerno na magiging sanhi ng impeachment.

Maging ang opinyon umano nito na posibleng guilty ang administrasyon sa pag-abuso sa human rights ay maituturing na betrayal of public trust.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?