1,308

Oct 9, 2021 @ 11:25
By

Robredo hindi pikon sa ‘Leni Lugaw’

Inamin ni Vice President Leni Robredo na “manhid” na siya sa mga basher.

“Mga first few months ko bilang VP ‘yung mga naaapektuhan ‘yung mga anak ko. Inis ako dun eh kasi para sa akin wala namang mawawala sa akin, bahala kayo diyan. Pero siguro nung 2016 naapektuhan ang mga anak ko, doon ako naba-bother kasi feeling ko hindi naman nila dine-deserve na maapektuhan pero gaya sa akin nasanay na ‘yung mga anak ko hindi na rin sila naaapektuhan,” lahad ni Robredo sa vlog ni Ogie Diaz.

Gayunpaman, napagtanto pa rin ni Robredo na hindi rin umano maganda na binabalewa ang mga fake news na maaaring paniwalaan pa rin umano ng mga tao kung pauli-ulit na nababasa o napakikinggan kaya kada may lumalabas ngayon na maling balita ay pino-post nila sa social media para itanggi ito.

Samantala, hindi naman daw napipikon si Robredo sa bansag sa kanyang “Leni Lugaw”.

Nagbiro pa siya na sakaling mawalan ng trabaho ay alam na niya ang maaaring inegosyo.

“Actually ‘yung Leni Lugaw aliw ako. Para sa akin magandang pakinggan tapos gusto ko naman talaga ng lugaw, paborito ko siya. Sabi ko, ‘Kapag nawalan ako ng trabaho hindi na ako kailangang mag-promote ng brand’,” anang Pangalawang Pangulo.

Panoorin ang vlog sa ibaba:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?