4,738

Robredo hindi nagtaksil sa publiko, nagpahayag lang ng opinyon – Lacson

Hindi umano matatawag na betrayal of public ang ginawang pagsuporta umano ni Vice President Leni Robredo sa pag-imbestiga ng United Nations Human Rights Council sa war on drugs sa Pilipinas, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“Masyadong stretch na yan kung ganoon. Sinasabing betrayal of public trust because sinusuportahan mo ang isang sabihin na nating legitimate resolution dahil trabaho ng council yan although part yan ng UN at member naman tayo ng UN,” sabi ni Lacson sa panayam sa radyo nitong Linggo.

“Member pa rin tayo ng UNHRC so saklaw tayo talaga noon. Pero para sabihin just because sinuportahan mo yan betrayal of public trust, papaano kung babaligtad ang interpretation, ang hindi nagsuporta noon betrayal of public trust din? E di lahat na impeachable officials i-impeach,” dagdag pa nito.

Naunang ibinabala ni Presidential Anti-Corruption Commission o PACC Commissioner Manuelito Luna na puwedeng maharap sa impeachment complaint si Robredo sakaling mapatunayang nakikipagsabwatan aniya ito sa isasagawang imbestigasyon ng UNHRC sa bansa.

Sabi ni Luna, ilang beses nang nagpapahayag ng pasuporta si Robredo sa UNHRC Resolution laban sa pamahalaan na maituturing aniyang betrayal of public trust.

Makailang beses din aniyang tila ipinalalabas ng pangalawang pangulo na guilty ang pamahalaan sa malalang sitwasyon ng pang-aabuso sa karapatang pantao bunsod ng kampanya kontra iligal na droga.

“Parang sobrang stretch na yan, ang sabihing impeachable offense ang mag-express ka ng opinion regarding a resolution na in-adopt ng Council,” sabi pa ni Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?