853

By

Robredo hindi gabinete, masyadong madaldal – Duterte

Kahit ginawang drug czar at co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), hindi pa rin maihahanay sa mga miyembro ng gabinete si Vice President Leni Robredo.

Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi miyembro ng gabinete ang Bise Presidente at hindi niya ito hinirang bilang miyembro ng kanyang gabinete.

Masyado aniyang madaldal si VP Leni at sa pulong ng gabinete ay marami silang mga pinag-uusapan na kapag narinig nito ay maaaring idaldal sa labas.

“She is not a member of the Cabinet. I have not appointed her as a Cabinet member. You know why? Early on she was talking right and left that she would talk to this and talk to that. In the Cabinet meeting, we talk about what’s happening eh kung marinig niya ‘yan diyan tapos dadaldal niya sa labas. She’s not a Cabinet. I have not signed an appointment designating her as a Cabinet,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi naman sila magkapartido ng Pangalawang Pangulo at bagama’t hindi siya nagdududa, hindi pa rin maiaalis ang posibilidad na baka mailabas niya ang mga sensitibong pinag-uusapan sa official family at magkaroon ng malaking problema.

“Unang-una, Leni ‘di man tayo magkapartido. Di man ako suspetsiyoso pero kung may makita ka diyan na para ibuhos mo sa akin o ibigay mo dun sa iba para ibuhos sa akin. Gagawin mo talaga. Yan ang problema. Kung kapartido tayo, walang problema,” dagdag pa ng Pangulo.

Hindi rin nakaligtas kay Pangulong Duterte ang pakikipag-usap ni Robredo sa opisyal ng iba’t ibang bansa at kung sakaling imbitahan nito si Phelim Kine, dating deputy director ng Human Rights Watch’s Asia Division, handa aniya niya itong harapin.

Sa paniwala ng Presidente, kaya gustong makita ni VP Leni ang mga mahahalagang impormasyon at dokumento sa drug war ay dahil sa paniwala nito na may mali sa ipinatupad na kampanya kontra droga.

Pero sinabi ng Pangulo na wala siyang balak na kausapin at warningan si VP Leni dahil alam nito ang ginagawa bilang isang abogado.

“Sabi nila na I killed people, I murder people, I killed people gusto niyang tingnan ganun, mga files. Pati security matter. Because of her so many references of talking to this, talking to that, talking to the prosecutor. Niyaya pa nga niya ata punta dito… that prosecutor who said ‘I am all packed and ready to go to arrest Duterte.’ Oh, and I would be privileged if that guy try to do it,” wika pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?