257

Sep 17, 2021 @ 19:23
By

Robredo hahatakin sa oposisyon sina Isko, Pacquiao

Plano umano ni Vice President Leni Robredo na makabuo ng isang united opposition para sa 2022 elections.

Dahil dito, target niyang makipagpulong kina Manila Mayor Isko Moreno at Senador Manny Pacquiao, na kapwa matunog na “presidentiable”.

Tiwala raw si Robredo na makakabuo siya ng united opposition bago ang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy sa Oktubre 8.

“Ako, para sa akin, hanggang sa last day hindi ko ipe-prevent iyong sarili ko mag-exert ng effort to seek out itong mga ibang puwedeng maging partners for 2022,” pahayag niya.

“May kasabihan nga, ‘di ba, habang may buhay, may pag-asa. So hanggang puwede pa na magkaroon ng pagkakaisa, susubukan pa rin natin,” dagdag niya.

Sabi ni Robredo, tatakbo siya sa pagka-pangulo kung siya ang mapipili ng mabubuong united opposition.

“Kahit sino ang kalaban, basta ako iyong pipiliin ng anti-admin forces, laban ako. Iyong pine-prevent ko lang naman na kami-kami maghihiwa-hiwalay,” giit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?