499

Sep 24, 2021 @ 18:29
By

Robredo haharangan si Marcos sa Malacañang

Inamin ni Vice President Leni Robredo na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung tatakbong pangulo sa 2022 elections.

Nakatutok aniya siya kung papaanong mawawakasan ang klase ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang hindi makabalik sa puwesto ang mga Marcos.

“I have always been very honest kung ano ‘yong proseso ng pagdesisyon na ginagawa ko, as far as the presidency is concerned. Ako I did not hide naman na ang pinakamahalaga sa akin, na hindi makabalik ang mga Marcos, at hindi na tumuloy ‘yong ganitong klaseng pamumuno,” saad ni Robredo sa panayam sa radyo.

Aniya, natagalan ang pagdedesisyon niya dahil inuna niyang matamo ang pagkakaisa ng oposisyon.

“Klaro ‘yon sa akin. So ako shinare ko na ‘to many times in the past, na kaya ako natatagalan kasi ang path na pinursue ko eh ‘yong unification,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?