45

Oct 18, 2020 @ 19:57
By

Robredo: Ginawa kay Nasino sa libing ng anak ‘overkill’

Nilarawan ni Vice President Leni Robredo na ‘overkill’ o sobra-sobra ang ginawang pagbantay ng lampas 40 jail officer sa libing ng anak ni political detainee Reina Mae Nasino sa Manila North Cemetery.

Saad ni Robredo, parawang nawala ang pagiging makatao sa nangyari sa libing ni baby River, kung saan nakaposas ang kamay ni Nasino habang kasama ang kanyang anak sa huli nitong sandali.

“Para sa akin, parang masyadong overkill… Nasaan iyong humanity natin doon, ‘di ba?” giit ni Robredo.

“Hindi ko talaga maintindihan, kasi parang nawawala na iyong humanity sa atin. Parang totally unnecessary iyong klase ng response na binigay natin,” aniya pa.

Saad pa ng Bise Presidente, nakita ang pagkakaroon ng pribilehiyo ng ilang tao na iba ang trato kapag nabibigyan ng furlough para mabisita ang kanilang yumaong mahal sa buhay.

“Hindi pantay iyong pagbigay ng pag-intindi, hindi pantay iyong pagbigay ng privileges sa mga mayroon kaysa sa wala. Nakikita natin ito. Ang daming personalities na binigyan ng pribilehiyo,” lahad pa ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?