89

Feb 24, 2021 @ 22:10

‘Robredo for president’ isasabay sa People Power

Kasabay ng anibersaryo ng 1986 EDSA People Power, isang kampanya ang ilulunsad bukas (Peb. 25) upang hikayatin si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-presidente sa 2022.

Layunin ng “Negros for Leni” na makakolekta ng mga lagda para sa pagtakbo ng Bise Presidente.

“We want to see a President who is competent, caring, decent and inspiring, someone who meets the criteria that will make us proud of our President, and will make us proud to be Filipinos,” pahayag ng isa sa mga lider ng grupo na si dating Negros Occidental Gov. Rafael Coscolluela.

“We believe that one person who possesses the right qualities and qualifications, the right values and ethical standards, is no less than Vice President Leni Robredo,” dagdag niya.

Nauna nang sinabi ni Robredo na bukas siya sa anumang posisyon pero mas gusto niya ang local position.

Hindi rin niya inaalis ang posibilidad na pagtakbo sa pagka-presidente. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?