46

Nov 23, 2021 @ 14:36
By

Robredo: Fake booking prank kinawawa mga rider

Ang tunay na biktima sa fake booking prank ayon kay Vice President Leni Robredo ay ang mga deliver driver na naghatid ng mahigit P100 libong kagamitan na babayaran sa pamamagitan ng “cash on delivery” sa Office of the Vice President.

“On November 22 2021, scammers made multiple COD orders totaling around Php 100K through MetroMart App and had it delivered to the Office of Vice President Leni Roberodo. Unfortunately, these scammers victimized our delivery riders and personal shoppers,” pahayag ni Robredo.

Sa opisyal na pahayag na ipinost ni Robredo sa kaniyang Facebook account, sinabi nito na naibalik na ang mga gamit sa MetroMart na walang charge sa mga rider.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10223235890697907&id=1003057789

Pinaalalahanan din nito ang mga scammer na ang ganitong prank ay nakakaabala sa mga rider.

“We are calling on the public not to scam, prank, and waste the time of our delivery riders and shoppers who are working hard to support their families and are risking their lives to safely deliver groceries to Filipino homes during this pandemic,” ani Robredo.

Nag alala rin daw ang VP sa mga rider dahil nabasa ito ng ulan habang nagdedeliver.

“When I was told about this, nag alala ako sa delivery riders. Sobrang abala sa kanila. Bka akala ng scammers yung burden nasa amin. Hindi iniisip na kinakawawa nila yung riders saka yung mga shoppers nila na nabiktima. Umuulan pa naman kahapon and nabasa sila,” pahayag ni Robredo.

Nitong Lunes, ibinalita ni VP spokesperson Barry Gutierrez ang tungkol sa mga gamit na ipinadala sa OVP sa New Manila, Quezon. (Sherrylou Nemis)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?