6

Sep 26, 2020 @ 0:24
By

Robredo: Face-to-face class sa walang COVID community transmission

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na payagan ang limitadong face-to-face class para sa mga lugar na wala nang naitatalang community transmission ng COVID-19.

Ito’y minungkahi ng Bise Presidente base sa mga hinaing ng ilang pamilya na walang kakayahan sa online learning at mapipilitan sa modular learning.

“Maraming mga lugar na coastal, maraming mga lugar na bukid na wala naman doong community transmission. Kung ipipilit mo iyong modular, baka nasasakripisyo natin iyong uri ng edukasyon na nakukuha ng mga learners,” ayon kay Robredo.

Aniya, ang solusyon para magpatuloy ang mga mag-aaral sa pagkatuto ay ang pagbabalik ng face-to-face class, kung saan maglalabas sila ng listahan ng mga lugar na walang community transmission para makatulong sa pagdedesisyon ng Department of Education.

“Huwag i-limit sa blended learning lahat, kasi iyong sinasabi ko nga , in communities where there is zero community transmission, baka naman pwedeng magkaroon na ng face-to-face,” aniya pa.

Matatandaan na pinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face class hangga’t wala pang bakuna laban sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?