221

Oct 10, 2021 @ 15:17
By

Robredo ‘di tatakbo kung ‘di umeksena 1Sambayan

Inamin ni Bise Presidente Leni Robredo ngayong Linggo na balak na talaga niyang tumakbo sa lokal na posisyon sa 2022 elections, ngunit dumating umano ang pagsuporta ng koalisyong 1Sambayan at ito ang nagpalakas ng kanyang loob na tumakbo bilang pangulo.

“Yung balak ko talaga— either magpapahinga ako o kakandidato ako ng lokal. Kaya nag-exert tayo ng maraming effort na magkaroon sana ng unification para tutulong na lang ako sa national candidates at uuwi ako sa amin para dun naman magbuhos ng serbisyo,” pahayag ni Robredo.

“Nung ni-nominate tayo ng 1Sambayan na, dun talaga na parang, dun nagbago na seryosong isipin na tumakbo na,” dugtong pa niya.

Bukod umano sa pagtutulak sa kanya ng 1Sambayan, wala rin umanong nangyari sa unification talks na kanyang itinulak.

Batid din ng bise presidente na mahirap ang kanyang laban sa darating na halalan.

“Alam natin kung gaano kahirap kasi wala tayong makinarya ngayon, ‘di tulad nung 2016. Wala tayong resources na kailangang-kailangan sa kampanya. Hindi tayo naghanda. Alam natin na marami sa mga kumakandidato, ilang taon nang naghahanda. Tayo ay wala talaga,” aniya. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?