38

Sep 27, 2020 @ 22:23
By

Robredo: Chinese social media na pumapapel sa ‘Pinas, dapat ikatakot

Nabahala si Vice President Leni Robredo nang matuklasan na ilan sa tinanggal na propaganda account ng Facebook ay nakabase sa China.

Ayon kay Robredo, kataka-taka ang pakikialam ng mga Chinese sa isyu ng Pilipinas kung saan nakitang nagpo-post ang mga ito ng pro-Duterte na content.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng Bise Presidente kung may kinalaman ito sa eleksyon sa 2022.

“Anong ginagawa ng China sa domestic affairs natin? Ito, kailangan tayo dito matakot. Kasi bakit? Ano ang interes ninyo sa eleksyon?” saad ni Robredo.

“Nakakatakot ito kasi may kinalaman ito sa soberanya natin,” aniya pa.

Matatandaan na nagbura ang Facebook ng ilandaang account dahil sa ‘coordinated authentic behavior’.

Kasama sa mga tinanggal ng social media giant ay ang mga China-backed account, pati na rin social media account na may kinalaman sa pulis at militar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?