208
views

By

Robredo camp sa ‘incompetent label’ ni Duterte: Nagsalita ang magaling!

Sharing is caring!

Agad rumesbak ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pagtawag sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na “incompetent” para pamunuan ang bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, legal adviser ni Robredo, na dapat ay tingnan muna ni Pangulong Duterte ang sarili nitong bakuran bago atakehin ang integridad ng isang tao.

Aniya, napakaraming isyu na hindi nasosolusyunan ng gobyerno.

“Inflation 5.2 percent. Bigas P42 ang kilo. One dollar is P53.51. Dagdag sa pambansang utang, P1.19 trillion. Sariling karagatan, bawal sa Pinoy. Trapik, palala pa. Patayan tila araw-araw na lang. Incompetent? Nagsalita ang magaling,” ang buweltang litanya ni Gutierrez.

Sinabi pa nito na maaaring siniraan ng Pangulo si Robredo dahil sa pagbaba ng 11 puntos ng satisfaction rating nito base sa pinakahuling survey result ng Social Weather Stations.

Bagama’t hindi pa nakakausap ni Gutierrez si Robredo, sinabi nito na dinededma lang nito ang mga ganitong pahayag at patuloy lang itong nagtatrabaho.

Giit nito, dalawang taon nang binabanatan si Robredo at natuto na itong huwag na lang pansinin ang mga paninira sa kanya.

Tinawag na “incompetent” o kulang sa kahusayan ni Pangulong Duterte si Robredo nang inanunsiyo ng huli na pag-iisahin niya ang lahat ng mga grupo na pumupuna sa istilo ng pamamahala ng Punong Ehekutibo. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?