40

Jul 21, 2021 @ 18:21
By

Robredo camp pumalag sa ‘palamuti sa gobyerno’ remark ni Roque

Pumalag ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na limang taong naging palamuti sa gobyerno ang pangalawang pangulo dahil mas piniling maging lider ng oposisyon kesa posisyon sa gabinete.

Sa Twitter, sinabi ni lawyer Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, na nagsisinungaling si Roque dahil si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang may gustong huwag dumalo sa mga Cabinet meeting ang bise presidente.

Ipinakita niya ang screenshot ng text message ni dating Cabinet Secretary Jun Evasco Jr., kung saan nagsasabing gusto ng Pangulo na huminto na sa pagdalo sa mga Cabinet meeting si Robredo.

Dahil dito aniya kaya binitiwan na lamang ni Robredo ang pagiging Housing czar.

“Ayoko na sanang patulan pero sobrang sinungaling eh. “Pinili” daw ni VP Leni na umalis sa Gabinete para maging lider ng oposisyon,” wika ni Gutierrez.

“Hay naku, magsisinungaling na lang andali pang hulihin,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?