83

Oct 9, 2021 @ 13:55
By

Robredo camp dedma sa ‘yellowtards’ banat ni Isko

Hindi umano isinasara ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang pinto nito para kay Manila Mayor Isko Moreno kahit tinawag nitong “yellowtard” at pekeng lider ang Pangalawang Pangulo.

Pero sa ngayon, ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, hindi na ito ang pinaka-agenda nila kundi ang kanilang kampanya.

“Kung gusto makipag-usap, bakit hindi. Pero ang pagmumulan pa rin niyan, ang pag-iikutan pa rin niyan, dun sa punto ng puwede ba tayo magkasundo batay sa prinsipyo… pananaw para sa ating bansa?” aniya sa panayam sa “The Chiefs”.

“Kung salita lang naman, maanghang man o hindi, sanay na kami diyan. We’ve endured worse. Naka-focus na kami lahat on our own campaign, I’m sure they’re also focused on their own campaigns. Ayaw ko naman na napaka-petty natin na dahil sa sinabing salita ni Mayor Isko Moreno kahapon eh ‘di na kami makikipag-usap sa kanya. Di naman tayo mga bata dito eh, ‘di ba?” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?