196

Jun 21, 2019 @ 14:15
By

Robredo bumisita sa 22 mangingisda, nakinig sa kanilang kuwento

Binisita ni Vice President Leni Robredo ang 22 mangingisda sa San Roque, Occidental Mindoro nitong Biyernes ng umaga.

Ang mga naturang Filipino fisherman ang naiulat na inabandona ng Chinese vessel matapos mabangga ang kanilang F/B Gem-Vir 1 noong June 9 sa West Philippine Sea.

Dumating sa bahay ng may-ari ng bangkang nabangga na si Arlene dela Torre sa Barangay San Roque si Robredo bago mag-alas-10:00 ng umaga matapos ay nagtungo ang Bise Presidente sa bahay ng boat captain na si Junnel Insigne.

Hindi naman nagpaunlak ng interview si Robredo.

Nakinig lang umano ito sa mga kuwento ng mga mangingisda.

Matapos makipag-usap sa mga ito, nagpunta si Robredo sa municipal hall kasama si Mayor Romulo Festin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?