40

Sep 7, 2021 @ 16:33
By

Robredo bukas pang maging presidente; hindi pambato si Isko

Nananatiling bukas si Vice President Leni Robredo na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2022 elections para aniya sa ikabubuti ng bayan at maayos na pamamahala.

Dagdag niya, wala siyang ineendorsong sinuman sa naturang posisyon.

Paglilinaw ito ni Robredo matapos niyang sabihing handa siyang suportahan si Manila Mayor Isko Moreno sa pagka-presidente kung tutukuran ang huli ng pinakamalawak na koalisyon na lalaban sa Duterte administration.

“Yes, if that will be the result of the discussions of the broadest coalition that we can form. Bukas ako sa kahit anong will stop this kind of governance already,” pahayag niya noong Lunes sa isang panayam sa telebisyon nang tanungin kung susuporta sa Isko-Pacquiao tandem.

Pero nitong Martes sinabi niyang wala pa siyang napagdedesisyunan.

“Nililinaw ko lang, wala pang desisyon at wala akong inendorso. Nananatili akong bukas sa pagtakbo kung iyon ang ikabubuti ng ating bayan,” wika niya.

“Malinaw ang layunin ng lahat ng naniniwala sa makatao at maayos na pamamahala: ang palitan ang kasalukuyang kalakaran,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?