34

Nov 18, 2021 @ 15:31
By

Robredo binisita si De Lima sa Camp Crame

Binisita ni Vice President Leni Robredo si Senator Leila de Lima sa PNP Custodial Center sa Camp Crame nitong Nobyembre 18.

Sa Facebook post ni De Lima, makikitang naka-pose ang VP ng signature D5 handsign matapos nitong bisitahin ang Senador bandang alas-11:30 ng umaga.

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=427429172175600&id=100047255615052

Samantala, nasa labas din ng Camp Crame kung saan kasalukuyang nakakulong si De Lima, ang mga taga-suporta ni Robredo na nagsagawa ng isang flash mob para ipakita ang suporta sa Senador.

Matatandaang, nasangkot si De Lima sa pagbebenta at pangangalakak ng ilegal na droga. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?