77
mocha-uson
Nov 6, 2019 @ 20:37
By

Robredo bigyan ng chance! – Mocha Uson

Sa bagong posisyon ni Vice President Leni Robredo, isa ang biglang kumampi rito na dating matibay na kritiko ng oposisyon.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration deputy administrator Mocha Uson, kanyang sinabihan ang publiko na dapat aniya ay bigyan ng chance si Robredo na mapatunayan ang kanyang sarili bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

“Give her a chance! Di ba, give her a chance. Kasi lahat naman tayo dito kailangan magtulungan po tayo. So sabi nga ng mga netizens, it’s your time to shine,” ayon kay Uson.

Ayon pa kay Uson, magandang oportunidad ito para magkaayos na sina Robredo at Pangulong Rodrigo Duterte.

“Maganda po siguro na ngayon, magtrabaho na po si VP Leni at makipagtulungan na po kay Pangulong Duterte as vice president para sugpuin po yung problema sa droga,” aniya pa.

Nitong Miyerkoles ay tinanggap na ni Robredo ang posisyon para maging drug czar ng Duterte administration.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?