106

Feb 4, 2021 @ 13:38
By

Robredo 1 sa mga LP bet para sa 2022 – Pangilinan

Isa si Vice President Leni Robredo sa mga kinokonsidera na tumakbo bilang presidential candidate ng Liberal Party (LP) para sa halalan 2022, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

Subalit binigyang-diin ni Pangilinan, presidente ng LP, na wala pa silang pinal na desisyon hinggil sa naturang isyu dahil nakatuon sila pagtulong sa Covid-19 pandemic response.

“Siya ay mataas na opisyal ng partido at pinakamataas na elected official ng partido so she (Robredo) is also being considered,” pahayag ni Pangilina sa online interview ng mga reporter.

Dahil siya pinakamatraas na halal na opisyal ng partido, si Robredo ang tumatayong chairperson ng LP.

“But she herself has said na wala siyang desisyon, marami pang pwedeng mangyari but in the meantime, we just focus on how we can help address this pandemic and the economic crisis,” ani Pangilinan.

“Hindi pa namin pinaguusapan kung sino ang magiging kandidato, wala pang nagdedesisyon sa amin ukol diyan,” dagdag pa nitio.

Umaasa naman si Pangilinan na magpapakita ng magandang performance ang kanilang partido para makaua ang suporta ng voting public.

“Sa atin naman, I think ultimately, 2022 is really all about voters, so tayo sa Liberal Party, tuloy-tuloy lang ang ating recruitment sa baba, pagtulong sa ating komunidad para malagpasan itong Covid,” ayon sa LP president.

“Hopefully, if we are able to show a good performance then voters will remember that and will support us, so ‘yun ang ginagawa natin sa ngayon, tutukan itong Covid response as best we can,” wika pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?