19

Sep 11, 2021 @ 15:24
By

Roboteacher kinakasa na

Kabilang umano sa mga bagong proyekto ng Department of Education ang posibilidad na magkaroon ng mga robot teacher.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nagtatag ang kagawaran ng tinatawag na “Education Futures Programme” kung saan nakatanaw sila sa hinaharap – kung ano ang magiging lipunan, kung ano ang kakailanganin nito nang sa gayon ay makasabay ang edukasyon.

Katulad aniya ng posibilidad na magkaroon ng mga robot teacher na pinag-aaralan na rin sa ibang bansa.

“Brain implants, machines, which are so much better than humans, and how can humans remain human in the light of all these fascinating developments,” aniya.

“So we are not looking at next year’s election, Mr. President, but perhaps 30 years from now, 40 years from now, what will society be like? How will we prepare our learners? How will we prepare them mentally aside from memorizing multiplication tables, Mr. President, as well as correcting their grammar? So this is one program which we are very interested in,” dagdag niya.

Maliban sa mga robot na guro, plano rin aniya ng DepEd ang pagtatag ng National Academy of Sports na umaasa silang mabubuksan nitong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?