145
Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round
Mar 19, 2019 @ 14:57
By

Robles, Lady Bulldogs totodo sa 2nd round

Standings W L

Ateneo 6 1

DLSU 5 2

UST 5 2

FEU 4 3

UP 4 3

NU 2 5

Adamson 1 6

UE 1 6

Mga laro sa Miyerkoles/Marso 20:

(FilOil Flying V Centre/ San Juan)

2:00pm – UE vs NU

4:00pm – Ateneo vs UST

Mas maiinit na paluan ang inaasahan sa pagsisimula sa Miyerkoles, Marso 20, ng second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament.

Unang magkakasukatan ang University of the East (UE) Lady Warriors at ang National University (NU) Lady Bulldogs bandang alas-2 ng hapon, kasunod ang upakang Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles at University of Sto. Tomas (UST) Golden Tigresses sa main game sa alas-4 sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nadagit ang Lady Bulldogs noong Marso 16 ng Lady Eagles 25-23, 25-17, 25-23, 25-17 upang malasap ang ikalimang kabiguan sa pitong laban.

Bagama’t natalo, kumpiyansa si Princess Robles na babangon sa second round ang Lady Bulldogs.

“Naniniwala po ako na kaya namin. Kasi lahat po kami, palaban talaga. Champion team kami nung high school at nandoon pa rin ‘yung pride namin lumaban para sa school,” saad ni Robles, humataw ng 18 puntos sa laban sa Lady Eagles.

Samantala, mailap pa rin para sa Lady Warriors ang tagumpay nang muling matalo ang mga ito noong Marso 17 laban sa UST Golden Tigresses 18-25, 14-25, 20-25.

Tanging si Judith Abil lamang ang nakasampa sa double digit sa kinulektang 15 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?