103

Robina Gokongwei: Panalo ng UP sana ipagdasal ng mga Ateneo priest

Pabirong hiniling ni Robina Gokongwei sa mga Jesuit priest na ipagdasal ang panalo ng University of the Philippines men’s basketball team (UP MBT) laban sa University of Santo Tomas Growling Tigers.

Muli kasing magtutuos ang dalawang koponan bukas, November 13, 2019, upang makalaban sa best-of-three finals ang ‘di matalo-talong Ateneo Blue Eagles.

“I hope the beloved priests from Ateneo officiating the mass tonight will pray for U.P.’s win on Wednesday,” ani Gokongwei sa eulogy niya sa yumaong tatay na si John.

Matatandaang namatay ang bilyonaryo noong Nobyembre 9 sa edad na 93.

Isa si Robina sa mga top booster ng UP MBT, at suportado umano siya ng kanyang tatay sa interes na ‘yon.

“I liked his (John) words of encouragement, congratulating me for simple wins. But this year, he had other reasons for congratulating me. He had forgotten about the business and was now congratulating me for the UP men’s basketball team entering the Final Four for the second year in a row. He knew what his daughter really loved the most. That’s why I loved him for that,” saad pa ng anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?