42
ABANTE ROBIN PADILLA MARIEL RODRIGUEZ BABAE
By

Robin titigil na raw sa pambababae, hindi raw papalitan si Mariel

Sharing is caring!

Tinutuldukan na ni Robin Padilla ang posibilidad na magkaroon pa siya uli ng panibagong babaeng mamahalin maliban sa kasalukuyan nyang asawa na si Mariel Padilla.

Sa presscon ng bagong teleserye ni Robin ang “Sana Dalawa Ang Puso Ko” opposite Richard Yap at Jodi Sta. Maria hindi itinanggi ang action star advocacist na nagagandahan sya sa huli.

Biniro pa nga niya si Jodi na ‘mag-ingat’ na lang at ‘bantayan’ raw ni Richard si Jodi, at bantayan na rin raw siya nang nasabing co-actor.

Pero sa pagliilinaw namin kay Robin tungkol sa ‘seguridad’ na hindi na siya uli manliligaw nang babae at papalitan si Mariel, iginiit ng action star na hindi na siya manliligaw pa nang ibang babae.

Sey ni Robin, matanda na siya para magloko at maghanap pa nang ibang babae. Diin pa nya, malaki raw ang naituro nang maturity sa kanya para pag-isapan na seryoso ang mga nangyayari sa buhay nya.

Bagamat, kinailangan raw niyang ma-inlove sa kanyang mga leading lady sa character na ginagampanan niya, wala raw siyang balak na gawin itong totohanan.

Sa isang komento at reaksyon ni Robin, lumalabas na malaki ang respeto at pagmamahal niya kay Mariel at hindi nya ito sisirain.

Samantala, muli ay nagpaka-humble si Robin kina Jodi at Richard nang purihin nya ang dalawa at ibinidang pinapanood nya noon ang serye nang dalawa na “Please Be Careful with my Heart”.

Kulang na lang latagan ni Robin nang red-carpet sina Jodi at Richard sa labis na paghanga nito, na parang hindi siya malaking artista at itinuturing na icon ng local entertainment industry.

Kung tutuusin mas malaking artista si Robin kumpara kina Jodi at Richard pero nagmistulang fan ang una sa mga papuri nito sa tandem nila sa show at husay ng acting ng dalawa sa kanilang nagwakas nang serye. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?