118

Oct 5, 2021 @ 21:38
By

Robin sabak na sa politika, tatakbong senador

Sasabak sa senatorial race si action star Robin Padilla sa darating na halalan, ayon sa PDP-Laban Cusi faction.

Ito ay ilang oras matapos umanong manumpa ang aktor bilang bagong miyembro ng partido ngayong Martes.

Kasama ni Robin ang kapatid niyang si Rommel, na nanumpa rin sa PDP-Laban at tatakbo uling kinatawan ng Nueva Ecija 1st District.

“Robin is running for a seat in the Senate under the ticket of the ruling party, while Rommel is making another bid as representative of the 1st District of Nueva Ecija,” pahayag ni Melvin Matibag, secretary-general ng PDP-Laban Cusi faction.

Kamakailan nagtanong si Robin sa mga netizen kung anong dapat niyang gawin — kung magbabalik pelikula ba siya o sasabak sa politika.

Kabilang aniya sa pinag-iisipan niyang posisyon ang pagtakbong Camarines Norte governor, senador at pagka-mayor ng Jose Panganiban sa Bicol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?