46

Jan 9, 2022 @ 22:43
By

Robin sa yumaong utol: ‘Araw-araw pa rin kitang kasama’

Naniniwala si Robin Padilla na sa kanyang puso at isipan ay araw-araw pa rin niyang kasama ang yumaong kapatid na si Royette.

Ngayong Enero 9 ay inalala ng pamilya ni Robin ang unang anibersaryo ng pagkamatay ni Royette.

Kaya’t sa kanyang Instagram post, muling inalala ni Robin ang yumaong kapatid.

“Isang taon na kuya Royet, lumisan lang ang katawan mo utol, pero araw araw pa rin kitang kasama sa pusot isipan,” saad ni Robin.

“Ikaw ay ako at ako ay ikaw… nagparenda lamang ako sa tadhana kayat nandirito pa. Ilang buwan na lamang ay nalalapit na rin ang aking pag alis ng tapahoho at mababatid na rin kung anong bundok ang tatahakin at iiwanan,” dagdag pa nito.

Noong nakaraang taon ay binawian ng buhay si Royette sa edad na 58 matapos atakihin sa puso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?