69

Aug 6, 2020 @ 21:41
By

Robin sa mga Pinoy: Imbes magreklamo, mambatikos kumilos!

Nanawagan si Robin Padilla sa mga Pilipino na gumawa ng aksyon kesa laging nagrereklamo at puro batikos ang alam.

Sa Instagram post noong Aug. 3 pinakawalan ni Robin ang pagkadismaya kasabay ng pagsi-share ng short clip ng press briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan inanunsyo ang muling pagsailalim sa ilang lugar sa modified enhanced community quarantine kabilang ang Metro Manila.

“Napakarami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi pa rin natatanggap ang katotohanan na ang Inangbayan Pilipinas ay nasa Gitna ng Digmaan Pandaigdig laban sa COVID-19,” aniya.

“Hindi ko na talaga batid kung san hindi magkaintindihan ang mga Pilipino. Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti-unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito,” dagdag niya.

“Kaya’t imbes na mabuhay at magising ka araw-araw sa pagrereklamo at kakabatikos aba’y kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan.”

HIndi rin daw ito ang oras para mamulitika kundi oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay.

“Isaksak n’yo sa baga n’yo at puso n’yo na ang pinag-uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang survival ng ating lahi at Inangbayan Pilipinas.”

Hinikayat din niya ang lahat na sumali bilang reservist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?