372

Jan 8, 2022 @ 14:28
By

Robin sa COVID test kit: Matatapos na rin pa-baby ng mga Pinoy

Matapos sermunan ni Health Secretary Francisco Duque III si Robin Padilla matapos mag-swab test ng sarili, nagalak ang aktor dahil sa wakas ay aaprubahan na ang paggamit ng COVID-19 home test kit sa bansa.

Nagalak ang senatorial candidate dahil tatanggap na ang Food and Drug Administration ng application para sa special certification ng COVID-19 home test kit.

Aniya, matatapos na raw ang pagiging pa-baby ng mga Pinoy.

Paliwanag pa ni Robin, ginagawa na nga raw ang pagsasariling swab test ng mga batang 12-anyos sa mga first world country at kulelat na kung tutuusin ang Pilipinas.

“Maraming salamat po at matatapos na rin ang Pababy ng mga Pinoy. Dumating na rin ang oras,” saad ni Robin sa Instagram post.

“Mayo 25, 2021 nong ako po ay Napa balita na nagsasaggawa ng self testing habang nasa misyon sa karagatan ng west Philippine sea kasama ang mga mangingisdang Pilipino. May 27, 2021 nong akoy sermonan ni sec duque ng doh na hindi ito dapat ginagawa kahit ito ay ginagawa na ng mga 12 years old na bata sa mga first world country.

“Pagkalipas ng 8 buwan nagising at natanggap na rin po ito ng lipunan bagamat nahuhuli na tayo Maraming Maraming salamat pa rin po sa mga kinauukulan. Tandaan lamang po natin na may sapat at tamang paraan ng pagsaggawa ng self testing,” dagdag niya.

“Ako po bago natuto 25 beses muna natira ang ilong ko, at hanggang ngayon kapag May frontliner na available at libre pa swab nagpapatira pa rin ako sa ilong.”

https://www.instagram.com/p/CYbhZZzJpQB/

https://www.instagram.com/p/CPUMEc2J_qr/

https://www.instagram.com/p/CPMi4Akpzsg/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?