1,021

Apr 30, 2018 @ 11:01
By

Robin pinalalayas sa PGT ng kababaihan

Laman na naman ng social media ang naging komento ni Robin Padilla sa grand finals ng Pilipinas Got Talent.

“Very sexist,” sey ng ilang netizen hinggil sa sinab­i ni Robin na kailangan daw ng babaeng kalahok ang tulong ng lalaki.

Solo parent daw kasi ‘yung babaeng amazing performer na nu’ng huling performance raw ay pinilit ni Robin na mangailangan ng lalaki para ma-inspire.

Ang pinagpuputok pa ng butse ng mga netizen ay ang umano’y bastos at sobrang pa-macho na pagkokomento ni Robin na laging ipinapasok ang isyu ng pagkakaroon ng lalaki kapag babae ang performer.

Habang may ilang nagsasabing image na talaga ng action star ang ganu’n, bumubu­welta ito sa dami umano ng babaeng inanakan nito.

Marami rin sa mga nagagalit ang nagsasabing sana raw ay huwag na nilang ma­kita sa susunod na edis­yon ng PGT si R­obin bilang hurado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?