40

Nov 23, 2021 @ 14:06
By

Robin pinagluto ni ‘cooking ina’ sa kanyang b-day

Isang simpleng selebrasyon kasama ang pamilya ang ginawang pagsalubong ni Robin Padilla sa kanyang ika-52 kaarawan ngayong Martes.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Robin ang larawan kasama ang dalawang anak na babae at asawang si Mariel Padilla, na nagluto ng spaghetti at tinawag pa niyang ‘cooking ina.’

“Ang pinakamasayang surprise bday na handog ng aking pamilya – home baked spaghetti ni cooking ina [Mariel Padilla],” saad ni Robin sa caption.

Samantala, ang kanyang mga anak naman na sina Maria Isabella at Gabriela ang naghandog sa kanya ng cup cake.

https://www.instagram.com/p/CWjapushj7s/?utm_medium=copy_link&fbclid=IwAR1r5ngUBEkfBWCFJ0DlayWaWPPQ-G9B0eI7QS3Z6u2j3vgkYJW_PwVuPFs

Sinalubong naman ang aktor at senatorial aspirant ng mga pagbati sa comment section ng kanyang post. (mjd)

Parehong single! Katangian ni Mary Joy Apostol bet ni Akihiro Blanco
*https://www.youtube.com/watch?v=z5PpbLOeChw

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?