305

By

Robin Padilla tatakbong senador sa 2019?

Sharing is caring!

May mga ugong-ugong na maaring kumandidato ang aktor na si Robin Padilla sa 2019 elections.

Ngunit tumanggi ang aktor na si Padilla na talakayin ang diumano’y plano nitong tumakbo sa pagkasenador sa Mayo 2019.

Sa panayam habang nasa harap ito ng Senado, iginiit nitong pag-usapan ang pagpapaaresto ngayon kay Senador Antonio Trillanes IV.

“Hindi po ‘yan ang topic natin, kasi baka isipin ng tao sumasakay ako rito,” sabi ni Padilla.

“Malayo pa ho yan. Ang pag-usapan natin reklamo sa kaniya ng taumbayan,” dagdag nito.

Kabilang si Padilla sa 22 na ikinukunsidera ng PDP-Laban na maging kandidato sa pagkasenador.

Sabi ni Padilla, kailangang pagtuunan ang isyu ni Trillanes dahil hindi raw laging naparurusahan ang mga tulad nitong nagkudeta.

“Ang taumbayan sawang sawa since 1896 pa ho ang kudeta dito sa Pilipinas. Kinudeta ni Aguinaldo na Magdalo si Andres Bonifacio. At ngayon lang ho magkakaroon tayo ng liwanag na magkakaroon na sa pagkakataong ito, sa administrasyon ni Duterte, na magkakaroon ng justice ang Pilipinas,” giit niya.

“Ano ang justice na yun? Ang mga nagkukudeta kasi rito, bungkalin niyo ang kasaysayan, wala pang sundalo na na-prosecute dahil sa kudeta. Eh kapag tiningnan ang batas, military tribunal ang mutiny ang parusa, napakataas po niyan,” dagdag ni Padilla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?