128

Feb 5, 2019 @ 10:44
By

Robin Padilla nalungkot sa pag-atras ni Harry Roque

Dismayado ang action star na si Robin Padilla sa pag-atras ni dating presidential spokesman Harry Roque sa senatorial race nitong Biyernes, Pebrero 1.

Nag-withdraw si Roque sa pagkandidato dahil sa diumano’y ‘percutaneous coronary intervention’ nito bunsod ng unstable angina coronary disease.

“Bakit naman kung sino pa yun karapat dapat sa senado at batid nating lahat na magdeliver talaga ng trabaho ay siya pang nagkakasakit,” saad ni Padilla.

Nalungkot umano si Padilla dahil ika-4 si Roque sa listahan ng kaniyang mga ibobotong senador.

Saad pa ni Padilla, nararapat si Roque na magkaroon ng posisyon sa Senado at hindi ang mga nagpapanggap na matatalino pero walang nagawa sa kanilang termino.

“Kayo po ay karapat dapat na maupo sa Senado, kayo po talaga ang nababagay para don,” saad nito.

“Hindi yun mga nagpapanggap na matatalino at magagaling pero wala rin naman nagawa sa panahon nila,” dagdag pa ni Padilla.

Patuloy umanong susuportahan ni Padilla si Roque sa kung anumang naghihintay para rito.

“We will pray for your fast recovery and will continue to support you sir!! I will never forget your service to the Davao Revolution and how you defended my Leader President Rodrigo Roa Duterte (PRRD),” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?