26

Oct 8, 2021 @ 16:02
By

Robin Padilla naghain na ng COC

Nag-file na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si action star Robin Padilla para sa pagtakbo niyang senador sa Halalan 2022.

Kasama niya ang asawang si Mariel na dumating sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Manila nitong huling araw ng COC filing.

Tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban.

Sa isang Facebook Live noong Setyembre sinabi ni Padilla na nasa isipan niya ang pagtakbong senador dahil nais niyang maipatupad ang pederalismo sa bansa, na aniya’y gamot sa korapsyon. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?