621

Sep 21, 2021 @ 21:56
By

Robin Padilla malambot ang puso sa kambing

Kung para sa iba ay kaldereta, sinampalukan o kilawin ang kinahahantungan ng kambing, para kay Robin Padilla, ito ay isang matalik na kaibigan.

Kwento ni Robin sa kanyang IG post ngayong Martes kung saan kasama niya sa video ang alaga niyang kambing, noon ay kumakain siya ng naturang hayop.

“Lumaki at tumanda ako sa pagkain ng kambing lalo sa pulutan ayaw na ayaw ko na nilalason sa suka ang kambing kaya nong araw binabaril ko na lang sa ulo kesa naririnig ko na umiiyak at dahan dahan na namamatay at nong naging Muslim naman ako naging taga sumbali ako (To slaughter a goat in a halal way),” saad ni Robin sa caption.

Ayon sa action star, ang alaga nilang itim na kambing – na siyang kasama niya sa IG post – ang nagbago ng pagtingin niya sa nasabing hayop.

“Pero ngayon na nagka alaga kami ng kambing at na trained ni lolo raffy na isang pet , hindi na ako kumakain ng kambing at hindi ko na rin kaya magsumbali nito,” aniya.

“Napakatalino ng hayop na ito at mas malambing ito sa aso. Nakasiksik din ito lagi at kung papayagan mo siya dila din ng dila, gusto lagi nakakalong at kung umiyak parang musmos na bata na naghahanap gatas ng nanay. Mahal na mahal ng mga anak ko ang kambing na ito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?