540

Feb 27, 2021 @ 14:33
By

Robin Padilla kay Kiko Pangilinan: Puro ka reklamo, wala ka namang ginawa!

“Sir Senator Kiko, ikaw ang dapat magmulat ng mata mo at gumising sa katotohanan na wala ka talagang nagawa bilang senador” – ito ang naging tugon ni Robin Padilla sa paghimok ni Pangilinan sa publiko na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA Revolution.

Anang aktor, wala umanong ibang ginawa ang Senador kung hindi ang mambatikos.

“Nag t trabaho ang AFP at ang PNP Para proteksyonan ang inangbayan at ang mga Pilipino laban sa shabu trafficking at terrorismo na hindi niyo nagawa nong panahon nyo na nakaupo ang mga AMO mo,” ani Padilla.

Binigyang-diin din ni Padilla na hindi siya naniniwala sa EDSA People Power Revolution at sa sinisimbolo nito, bagkus ginagamit lang umano ito ng mga makapangyarihan.

“Matagal na kaming gising at Mulat sa Edsa Revolution na wala naman naidulot sa Pilipino kundi power grabbing. Mas lalong Yumaman Lang ang mga mayayaman at mas lalong naghirap ang mga mahihirap,” pagdidiin niya.

“Wag mo akong turuan sa people power na yan dahil isa ang tatay ko sa arkitekto niyan at pagkatapos mag wagi ay pinagmitsahan pa ng buhay nya na mga kasama rin niya ang mga kasabwat dahil sa jueteng at smuggling sa camarines Norte,” pagpapatuloy niya.

Hinamon pa ng action star ang Senador na magpakita ng ehemplong magsasaka na umunlad ang buhay matapos ang naturang rebolusyon.

“Kung Talagang May laman ang edsa revolution na yan magpakita ka kahit isang mangsasaka sa hacienda luisita na nakinabang dyan at nagkalupa o kahit isang mangingisda na nagkaroon ng sariling palaisdaan o Gumanda ang buhay o kahit isang manggagawa na umayos ang Sueldo at nabubuhay ng parehas sa iyo,” saad niya.

Aniya, mas mabuti na lang na tumahimik si Pangilinan lalo pa’t wala namang pinagbago ang kalagayan ng bansa nang matapos ang pagkilos.

“Wag kang magmagaling sa usapin ng edsa revolution dahil walang revolution na naganap dahil wala naman nagbago. Presyo nga ng galunggong hindi na maabot ng isang mahirap na Pilipino kaya tumahimik ka na Lang sir,” wika nito.

Kaugnay ito sa naging pahayag ng Senador noong Huwebes.

“Panatilihin nating buhay ang diwa ng EDSA People Power. Magtanong. Maghanap ng mga sagot. Makinig. Matuto. Maging mulat. Kumilos.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?