64

Jan 12, 2022 @ 15:21
By

Robin Padilla kay Jam Magno: ‘Ako po ay tagahanga ninyo’

Puno ng pasasalamat ang aktor at senatorial aspirant na si Robin Padilla matapos siyang iendorso ng social media influencer na si Jam Magno.

“Mam Mabuhay po… Maraming Maraming salamat po sa inyo,” saad ni Padilla sa kanyang Facebook post nitong Martes.

“Ako po ay tagahanga po ninyo. Pupuntahan ko po kayo upang tayo po ay makadaupang palad,” dagdag pa ng dating action star.

Ang post ni Padilla ay kanyang tugon sa pagbahagi ni Magno ng isang video kung saan pinaliwanag nito kung bakit ang aktor ay nararapat maging senador.

Ilan sa mga sinabi ni Magno na mga dahilan para iboto si Padilla ay ang pagtulong nito sa mga nasalanta ng bagyong Odette, pagiging taga-suporta ng administrasyong Duterte, at pagiging boses ng mga Muslim.

“His platform is easy to understand and he has walked his talk for years. And unbeknownst to many I actually heard that he’s one smart guy too. So again to the people making fun of him. Shame on you and your bets who think the Philippines only has 1,700 islands,” pahayag ni Magno.

“I also know that we need to elect new faces who have put in the work for years prior to their Political bid. I believe in people who uplift others by lending their voice to something no one even cares about,” dagdag pa ng kontrobersyal na influencer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?