573

Nov 3, 2017 @ 15:42

Robin Padilla, dumalaw kay Isabel Granada sa Doha

Hindi lang pamilya ni Isabel Granada ang nasa Doha, Qatar ngayon kundi pati na rin ang aktor na si Robin Padilla.

Ayon sa Instagram post ng Middle East correspondent-news editor na si Maxi Santiago, mayroong event si Robin sa Qatar at sinamantala na nito ang pagkakataong mabisita si Isabel.

Naka-post kay Maxi ang short video kung saan pinagkaguluhan si Robin ng mga OFW.

@maxxymize, “Robin Padilla who’s now in Doha for an event visits Isabel Granada at the Hamad General Hospital, talks to Isabel’s family, #isabelgranada #doha #qatar #manila #middleeast #philippines @isabelgranada21 @abscbnnews.”

Nasa Qatar ngayon ang ina ni Isabel, ang anak nito, ang current boyfriend at ang kanyang ex-husband.

Nag-collapsed si Isabel sa Doha kung saan meron siyang event na dinaluhan. Na-diagnosed na merong brain aneurysm ang aktres na siyang dahilan ng pagiging unconscious nito.

Umaasa ang mga kaibigan at nagmamahal sa aktres na malalagpasan nito ang kanyang karamdaman. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?