127

Nov 1, 2017 @ 14:53

Robin ‘namamalimos’ para sa Marawi

Nanghihingi ng donasyon si Robin Padilla sa kanyang Instagram post hindi para sa sarili kundi para sa Marawi.

Sunud-sunod ang posting ni Robin tungkol sa Marawi at ang  pangangailangan nitong makabangon mula sa pagkakadurog sa nakaraang giyera nang military laban sa mga Maute-ISIS terrorist group.

Isa si Robin sa mga non-government individual na malaki ang pagnanais na makatulong sa rehabilitation ng Marawi kaya naman panay ang panawagan nito at pagpu-post ng mensahe sa socmed para makaipon ng pondo.

“Tindig Marawi” ang pangalan ng programa o project na tinutulungan ni Robin at maging ang asawa niyang si Mariel Rodriguez Padilla ay tumutulong rin sa panawagan.

Nagposte pa nga si Mariel ng deposit slip ng bangko mula sa isang donor para sa proyekto niya, upang ipakita sa mga followings at followers niya na anumang monetary-amount ay malaking bagay na para sa mga taga-Marawi.

Piso ang nakasulat na donated amount sa check deposit na pinahalagahan ni Mariel at ng team ng kanyang asawa.

Maliban sa paga-alaga sa kanilang anak na si Isabella at pagiging maybahay ng kanyang mister, ang pagsuporta kay Robin ang isa rin sa mga pinagkakaabalahan nang dating game at reality based show.

Pinapurihan naman si Robin ng kanyang mg followings sa ginagawa nitong malasakit sa Marawi. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?