160

Jan 31, 2020 @ 18:41
By

Robin nakalabas na ng ospital

Nakauwi na sa kanilang bahay si Robin Padilla matapos ang mahigit dalawang linggo na pananatili sa ospital.

Nag-post si Mariel Padilla sa Instagram ng larawan ni Robin na karga-karga ang kanyang bunso na si Gabriela at nakatayo naman ang isa pang anak na si Isabella.

Ibinalita ni Mariel sa caption na nakauwi na sa wakas ang kanyang asawa.

Pero bago ito, nag-post si Mariel ng larawan nila ni Robin na kuha sa isang Catholic symposium na ginawa sa Smart Araneta Coliseum nitong weekend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: